Wednesday, November 18, 2009

saloobin ng isang kabataan

para sa isang kabataan na katulad ko, dapat ay maging matalino sa pagpili ng iboboto. mahirap na buhay ang mga pinagdadaanan ng lipunan na ginagalawan at walang ibang paraan kung hindi ang magtulungan. bilang isang kabataan na pag-asa ng bayan, pipiliin ko ang isang taong mapagkakatiwalaan ng aking kinabukasan...
sa mga nagdaang presidente ng aking bayan, masasabi ko na tumaas-bumaba ang ekonomya sa bansa. masaklap ang nangyayari sa bansa kapag ang lider ay masama. bakit nga ba madaming gustong maluklok sa pagkapinuno? hindi ba't napakahirap pamunuan ang isang bansa? bakit kaya sila nagkakandarapa sa pangangampanya?? hindi ba dahil sa pera at yaman na makukuha nila? o sa kapangyarihan at pansarili lamang... bagaman marami pang dahilan, ang lahat ng ato ay mag-uugat pa rin sa pera.
gobyerno at pulitika. ano nga ba naman ang alam ko sa mga nangyayari sa dalawang ito kungdi ang pagaaway ng mga senador, at iba pang miyembro ng pulitika at gobyerno. hindi ba dapat ay sila ang nagsisilbng tagapagpaayos ng kapayapaan at katahimikan ngunit sila pa ang nangungunang tagapagpalaganap ng kaguluhan, sila ang mga nangungunang promotor ng kasalanan at kagaguhan kaya naman pala,, at ano pa ang aasahan sa bayan?malamang at syempre magulo at masamang lipunan.
ako, bilang isang kabataan ay nagnanais ng isang mapayapang pamumuhay at isang matiwasay na pamayanan. ngunit naiisip ko sa mga sandaling ito na hindi magiging ganap ang aking pangarap.
madaming tumatakbo sa aking utak at ito ang ilan:
1. si Mr. Gibo Teodoro. siya ba ay manok ni Gloria na pantapat sa kampo ni Noynoy?
2. Noynoy Aquino. malakas at matunog ang pangalan niya at ito ay dahil sa kanyang mga magulang pero kung ibang tao siya magiging ganun pa rin kaya ang pagtingin ng tao sa kanya? at totoo bang wala siyang naipasa kahit isang bill sa senado? kahit ng nabubuhay pa ang kanyang ina ay wala man lang balita sa kanya?
3. Chiz escudero. kabataan ang tema niya, ngunit masyado nga ba siyang maboka? magaling lang manghikayat sa paraan ng pagsasalita niya?
4. Villar. pang-masa at mahirap dahil galing sa mahirap? bakit siya nasangkot sa kontrobersiya sa C5 road? at tunay bang ilang milyon o bilyon nga ba ang nagastos niya sa pagpapa-infomercial at pangangampanya nya? pero bakit siya gumastos ng ganun kalaking halaga e kung susumahin mo naman ang kinikita ng isang presidente sa anim na taon ay baka hindi niya pa mabawi ang ginastos niyang ito? dahil nga ba kukurakot din sya?
5. erap. meron pa din naniniwala sa kanya pero hindi ba isang kahihiyan ang mga nagawa nia at kung sya ang magiging pangulo, hindi ba nakakahiya para sa ating bansa na sya ay nakulong ng ilang taon at ngayon sya ay nagbabalik para sa dating pwesto?


sana ay mabigyan ng kasagutan ang aking mga katanungan. sana ay maging maayos na ang bayan.